Gumising ng maaga.
1.1 Sa probinsya, maaga natutulog ang mga tao. Maaga din silang nagigising. Ibigsabihin, nasa umaga ang buhay nila at mga activities. Example, sa Oslob, umaga mo lamang maaring makita ang mga Butanding.
1.2 Mag-enjoy ng dagga sa umaga kung saan hindi pa masyadong tirik ang araw. Sa Anawangin, masrecommended ng mga boat man ang pumunta ng umaga dahil maskalmado ang tubig.
1.3 Iwas traffic. Noong nagpunta kami sa Pagbilao, Quezon para sa isang day trip ay madaling araw kami umalis. 5 hours ang travel. Pagdating namin doon, may araw na. Imagine kung alas-7 kami umalis. Tanghali na kami nakarating at uuwi din kami ng hapon. Hindi iyon sulit.
1.4 First trip! Noong nagpunta kami ng Laoag galing Pagudpud, hinabol namin ang 5:30am trip. Usually, hindi naman pinupuno ang first trip. Mas mabilis ang biyahe, tahimik dahil tulog ang mga tao at hindi gaanong mainit. Ganoon din ang ginawa namin noong nagpunta kami ng Apo Island galing Santa Catalina. 4:30 am kami nakasakay para pagdating namin sa port, first trip na ng boat.
1.5 To catch the sunrise! Yeah!
Pack light
Huwag mo nang dalhin ang buong bahay niyo kapag aalis. Noong nagpunta kami ng Dumaguete, meron kaming nagiisang maleta na kasama namin palagi kung saan saan. Diyahe siya para sa mga nagbuhat kahit lahat ay nakinabang dito. Pero dahil maleta siya medyo nakaabala siya kapag sinakay sa jeep at may dadaang ibang pasahero. Medyo nakasikip din siya dahil bulky. Mag backpack kung haragan ang lakaran palagi. M
Magtanong
Noong nagpunta kami ng Cebu, alam ko na kung anong magandag way para makarating ng Cebu South Terminal dahil sa mga suggestions ng mga bloggers sa internet. Not until nagtanong ako kay Kuya. Aba'y meron palang pwedeng rentahan na van para makarating doon. Hindi na kami nag-taxi. Mas tipid at sama sama pa kami.
| Hindi naman namin siya masyadong ininterview |
Make the most out of your trip
Tanggapin ang katotohanan na hindi naman lahat ng destinations sa isang lugar ay mapupuntahan mo. Nagstruggle din ako kung anong mas gusto kong makita: Dolphins o Turtles? Parang opportunidad sa real life. Ang kalaban lagi ng best ay good.
Magwithdraw
Thankful lang ako na lagi kong kasama yung kapatid ko nitong last 2 travels ko. Pero nakakalimutan ko talaga palaging magwithdraw. Huwag mag-expect na laging mayroong ATM machine sa mga probinsya. Maghanda palagi ng barya.
Para sa mga control freak:
Para sa mga control freak na kagaya ko, tanggapin na hindi lahat ay mangyayari ayon sa kagustuhan niyo. Ipaubaya ang trip sa Lord na nagcocontrol ng langit at lupa, nagmamay-ari ng lahat ng isda sa dagat. Enjoy lang as he reveals every day of your travel.
Alam kong nasa process pa lang ako ng mga bagay bagay as a Junior Traveler, hope it'll help you.


































